POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nakinabang ang Farmers Association mula sa 13 Barangay ng Polanco, Zamboanga del Norte sa ipinamahaging binhi ng palay at mais. Nasa 350 sako ng palay at 73 bag ng mais ang naipamahagi para sa mga magsasaka. Ang pamamahagi ng mga binhi ay pinangunahan ni Mayor Evan Hope Olvis sa pakikipagtulungan ng .
Ayon kay Edgar Agayan, Municipal Agriculturist, layunin nito na matulungan ang mga magsasaka na muling makabangon dahil sa pagkasira ng kanilang pananim dulot ng Bagyong Nena. Sinundan pa ito ng ilang linggong mga pag-ulan sanhi naman ng “tail end of cold front” na nagresulta ng malawakang pagbaha ilang bahagi ng Probinsya.
(Zamboanga Correspondent Mars Tamayo, Eagle News Service)