MARIRIPI, Biliran (Eagle News) — Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga kaanib ng Iglesia ni Crsito (INC) sa Bayan ng Mariripi, lalawigan ng Biliran noong lunes, July 5, 2016.
Bago ang nakatakdang oras ng aktibidad ng mga kaanib ng INC ay maagang gumayak ang mga miyembro nito upang ayusin ang dako ng pagdarausan ng nasabing aktibidad. Hindi nila alintana ang panganib na maaring maranasan habang sila ay naglalakbay dahil tawid-dagat ang kanilang pupuntahan.
Para sa mga kaanib ng INC ay walang makahahadlang sa kanila upang tumulong sa ating mga kababayan. Masaya sila na makatulong sa kapwa tao sa dala nilang goody bags pero mas mahalaga pa sa material na bagay ang kanilang iniaalok dahil sa pagkakataong ito ay ipapamahagi din nila ang kanilang pananampalataya na maghahatid din sa tao tungo sa kaligtasan.
Masaya naman ang naging tugon ng mga panauhing dumalo sa nasabing aktibidad dahil kahit malayo sila at nasa isla pa ay pinuntahan sila ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo para tulungan at nalaman din nila ang kahalagahan ng paglilingkod sa Diyos.
Ang iba sa mga naging panauhin ay nagpasyang magtatuloy sa pakikinig ng mga aral o doktrina na sinasampalatayanan ng INC.
(Eagle News Alyza Mae Apsay – Mariripi, Biliran Correspondent)