DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Egle News) – Inilulsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang programang Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga (MASA MASID).
Isinagawa ang MASA MASID launching sa Commercial Complex, Boulevard, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakailan. Dinaluhan ito ng mga sumusunod:
- Local at Provincial Government
- DILG
- Mga Punong Barangay
- Dipolog PNP
- PDEA
- Multi-sectoral and Religious Groups
- Iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan.
Ang naturang programa ay ginawa sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular 2016-116. Layunin nito na magkaroon ng drug-free na komunidad sa bansa sa pamamagitan ng nagkakaisang diwang mamamayan sa barangay at iba’t ibang sektor, maging ang pakikipaglaban sa kurapsyon, katiwalian at krimenalidad.
Lady Mae Reluya – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte
Photo Credits: City Information of Dipolog