Eagle News – Aminado ang Department of Education (DepEd) na problema pa rin nila ang kakulangan sa mga silid-aralan.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nasa 18,000 pang classroom ang kailangang ipatayo upang sumapat sa lumalaking bilang ng mga estudyante sa buong bansa.
Tiniyak naman ni Briones na masosolusyonan ang matagal nang problema na ito sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na buwan.
Gayunman, hindi naman aniya problema ang budget.
Aniya, ang problema ay ang kakulangan sa lugar na pagtatayuan ng gusali, lalo na sa Metro Manila kung saan kinakapos na ng espasyo.