(Eagle News) — Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang hilagang silangan ng Catarman, Samar.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) temblor, tectonic ang origin nito na naitala pasado alas-otso kwarenta’y tres (8:43 AM)ng umaga.
Intensity 2 ang naramdaman sa Catarman, Northern Samar, at Cabid-An, Sorsogon, Intensity 1 naman sa Sorsogon, Sorsogon, Legaspi City, Masbate City at Borongan sa Eastern Samar.
Tiniyak naman ng PHIVOLCS na hindi ito magdudulot ng aftershocks at wala namang naitalang nasirang mga ari-arian.
Matatandaang nito lamang Sabado, dalawang magkasunod na lindol ang tumama sa Batangas.
Una ang magnitude 5.7 dakong alas tres-otcho (3:08PM) at sinundan ng magnitude 5.9.
Dalawampung minuto ang nakalipas nang tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa bayan ng Taysan, Batangas.
Kahapon ay isinailalim na sa state of calamity ang Mabini, Batangas na syang matinding naapektuhan ng lindol nitong Sabado.