Pagbaha at landslide patuloy na nararanasan sa Sarangani Province

KIAMBA, Sarangai Province (Eagle News) – Nakaranas ng matinding pagbaha ang bayan ng Kiamba at Maitum noong Huwebes, Marso 9 dahil sa malakas at magdamag na pag-ulan. Umapaw ang ilog at pinasok ng tubig ang mga kabahayang malapit dito.

Sa Maitum ay umapaw din ang mga drainage at inabot din ng pagbaha ang mga bahay na malapit dito.

Isa na ang naiulat na nasawi dahil sa malakas na agos ng tubig-baha. Madaling araw ng Huwebes ay nakita pang tumawid si Celso Brigole upang iayos ang mga bangka ng mga mangingisda na kaniyang binabantayan.

Ngunit sa lakas ng baha ang biktima ay nalunod. Ang kaniyang bangkay ay nakita sa Yabes Beach, Barangay Saub bandang 9:00 na ng umaga sa araw din yon.

Nagkaron din ng landslide sa Maitum dahil pa rin sa malakas na ulan. Isang bahay ang naiulat na napinsala.

Jhared Coraza – EBC Correspondent, Saranggani Province