(Eagle News) — Umaabot sa 1.5 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing nabiktima sila ng tinatawag na ‘common crimes’ sa unang bahagi ng taon ayon sa datos na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Huwebes, Hunyo 22.
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng SWS mula Marso 23 hanggang 27.
Ayon dito, 6.6 percent ng pamilyang Pilipino ang nabiktima ng mga krimen tulad ng pagnanakaw, panloloob, physical violence at carnapping sa unang bahagi ng taon.
Mas mababa ito ng isang punto kumpara sa 1.7 milyong pamilya o 7.6 percent na naitala noong Disyembre 2017.
Karamihan sa mga krimen ay nagresulta sa pagkawala ng mga ari-arian.
Noong Disyembre 2017, nasa 1.1 milyong pamilya o 4.6 percent ang nabiktima ng street robbery.
Habang nasa 145,000 o kulang-kulang isang porsyento naman ang nakaranas ng physical violence kumpara sa 188,000 na naitala noong Disyembre 2017.
https://youtu.be/IrnDt20EMbM