P1.6 M halaga ng shabu nakumpiska ng Sta. Ana Police Station sa Davao

DAVAO City (Eagle News) – Naaresto sa isang buy-bust operation ng Sta. Ana Police ang dalawang drug suspek dito sa Davao City na nahulihan ng P1.6 milyon halaga ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek na sina Lailaimie Sarip Ibrahim, 18 taong gulang, at Norhana Lambayon Batalo, 19 taong gulang, na pawang residente ng Tamparan, Lanao Del Sur.

Nahaharap sila sa kasong violation of section 5, 11 at 12, Article 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang malalaking sachets na hinihinalang shabu na tinayang may street value na P1.6 million, ayon sa Sta. Ana Police Station.

Nagpapasalamat naman si Police Chief Insp. Hamlet M. Lerios ng Sta Ana Police Station 1, sa pakikipagtulungan ng mga awtoridad na mula sa ibang ahensya upang madakip ang mga drug suspek.  Aniya walang tigil ang mga isinasagawa nilang operasyon bilang pag suporta sa kampanya laban sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City Correspondent

 

(Photo courtesy of Sta. Ana PNP)

Related Post

This website uses cookies.