1 sundalo patay at 3 sugatan ng tambangan ng di pa nakikilalang mga suspek

Photo courtesy: Kenneth Bustamante

DINAS, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos tambangan ang mga ito ng mga hindi pa nakakilalang armadong kalalakihan.

Ayon kay Lt. Col. Benedicto Manquiquis, public affairs officer ng 1st Infantry Division, naganap ang insedente noong lunes, November 21 bandang 8:28 ng umaga.

Kinilala ang nasawing sundalo na si 2nd Lt. Joseph Cartajena habang sugatan naman sina Cpl. Rey Jenald Dagondol at ang Cafgu na si Joycere Bala habang hindi pa nakikilala ang isang sugatan.

Sa inisyal na imbistigasyon, lulan ng KM450 truck ang mga miembro ng 53rd Infantry Battalions – Bravo Company. Nang nasa kahabaan na ang mga ito sa Barangay Binuatan at Barangay Guinicolalay, Dinas, Zamboanga del Sur ng tambangan ng mga armadong kalalakihan.

 

Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte

Related Post

This website uses cookies.