10 lider, inaasahang dadalo sa ASEAN summit sa Metro Manila

(Eagle News) — Inaasahang dadalo sa Association of Southeast Asian Summit 2017 na gaganapin sa Metro Manila ang sampung lider mula sa mga member-states nito.

Ayon kay ASEAN 2017 National Organizing Council Director-General for Operations Marciano Paynor Jr., una munang magtutungo ang sampung lider sa Philippine International Convention Center (PICC) bago magtungo sa Coconut Palace para sa kanilang gagawing ‘retreat’ sa April 29.

Pagkatapos ng ‘retreat,’ ay muling babalik ang sampung ASEAN  leaders sa Philippine International Convention Center para sa pagpupulong.

Magkakaroon naman ng mga ‘bilateral meeting’ si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ring Chair ng ASEAN kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa April 27 at kay Indonesia President Joko Widodo sa April 28.

Kaugnay nito, ay sinabi rin ng Palasyo na kabilang ang Pilipinas sa bibisitahin ni United States President Donald Trump sa Nobyembre.

Dagdag pa ni Paynor, marami ang nagrerequest ng ‘bilateral meeting’ kay Pangulong Duterte ngunit napakahigpit ng schedule nto.

Asahan din ang iba pang ASEAN leaders gaya nila:

  • Prime Minister Hun Sen ng Cambodia
  • Prime Minister Najib Razak ng Malaysia
  • President U Htin Kyaw ng Myanmar
  • President Tony Tan Keng Yam ng Singapore
  • Prime Minister Prayut Chan-O-Cha ng Thailand
  • at President Tran Dai Quang ng Vietnam

Related Post

This website uses cookies.