10 Outstanding Youth groups pinagkalooban ng Sipag Youth awards ni Sen. Villar

(Eagle News) — Kinilala ni Senadora Cynthia Villar ang mahalagang papel ng mga kabataan para mapababa ang antas ng kahirapan at mapabuti ang buhay ng mahihirap na pamilya.

Binigyan ng parangal ng Senadora ang sampung Outstanding Youth Organizations dahil sa kanilang tinaguriang innovative solutions sa ilalim ng Poverty Reduction challenge.

Ang sampu ay pinili mula sa isandaang at limampung organisasyon kung saan kabilang ang mga kabataang may edad 18 hanggang 29.

Ilan sa mga grupong ito ang SULBEC 4 Club mula sa Pasuquin, Ilocos Norte, Soldiers of God sa Marikina, Circle Hostel Tribes and TREKS sa Zambales, Adopt a Baranggay sa Pinugay, Rizal at Gubat Young Farmers Association sa Sorsogon.

Ang mga grupo ay tumanggap ng 150 thousand pesos na cash prize at trophy.

Kasama sa mga proyekto ng mga organisasyong ito ang produksyon ng agricultural products, recycling waste materials o agricultural waste products, green inventions/environment saving inventions/green technology, at Water, Waste and Energy solutions.

https://youtu.be/xur2wCcfo3I