10 pakete ng dried marijuana natagpuan ng mga mangingisda sa Tandag City

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Agad na nagsagawa ng ocular investigation ang PNP sa pangunguna ni PCI Rey Sorreda ng makatanggap sila ng tawag na mayroon di umanong dried marijuana leaves ang natagpuan sa Barangay Buenavista, Tandag City.

Ayon sa mga nakakita na sina Edmar Jumanoy at Yong Yong Macarayo kapuwa mangingisda, habang sila ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay may napansin silang malaking blue plastic container na nakalutang malapit sa dalampasigan. Binuksan aniya nila ito at tumambad sa kanila ang 10 pirasong selyadong cellophane packs na naglalaman ng ng tuyong dahon ng marijuana. May bigat itong 19 kilos na nagkakahalaga ng mahigit 1,450,000 peso.

Kaagad naman na-i-turn over kay PCInps. Rey Sorreda at Tandag City Mayor Alexander T. Pimentel. Ngayon ay nasa kustodiya ng Provincial Crime laboratory ang nasabing marijuana para sa examinasyon.

Merly Orozco – EBC Correspondent, Surigao del Sur

Related Post

This website uses cookies.