(Eagle News) — Hinarang ng mga tauhan ng Zamboanga Coastguard ang sampung Pakistani national matapos hindi maipakita ang mga passport nito habang nasa loob ng barko patawid sana papunta sa Island Province ng Basilan.
Limang babae at limang lalaki ang mga dayuhang pakistan na sa halip magpakita ng passport ipinakita nito sa mga tauhan ng coastguard ang bitbit nilang clearance mula sa kanilang grupo mula sa Marawi City Lanao Del Sur, dahilan para iturn over sila sa Bureau of Immigration Zamboanga City.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa mga kagawad ng media ang sangay ng imigration sa lungsod dahil wala pa umanong abiso ang kanilang central office.
Subalit sinabi nilang iniwan ng mga Pakistani ang kanilang pasaporte sa kanilang coordinator Muslim Welfare Office sa Marawi City bago tumungo sa Zamboanga City.
Pahayag pa ng immigration Zamboanga na saka lang nila patutuluyin ng Basilan o kahit saan man sa Zambasulta ang mga dayuhang Pakistani kung hawak na ng isat-isa ang kanilang pasaporte para na rin sa kanilang kaligtasan.
Pinayuhan din ng otoridad ang mga dayuhan na magpaalam Sa Arm Forces Western Mindanao Command bago papasok sa mga lugar dito sa Mindanao lalo na kung mayroon labanan.