Manila, Philippines (Eagle News) — Seselyuhan na ng Pilipinas at China ang bilateral agreement hinggil sa deployment ng nasa isandaanlibong (100,000) Filipino teachers.
Ito’y sa oras na dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang forum ng world leaders sa China, ngayong linggo.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nangangailangan ang China ng 100,000 English teacher na maaari namang kumita ng 1,500 dollars o 78,000 pesos kada buwan.
Isa aniya sa mga issue na kinakaharap ay ang requirement ng Chinese government na ang mga paaralang mag iisyu ng certification sa mga guro ang tangi nilang i-a-accredit.
Ayon kay Bello, ang Pilipinas ang dapat pumili ng mga paaralan o kolehiyo na mag-i-issue ng certification.