102 kabataan nagtapos sa programang Drug Abuse Resistance Education

TANDAG CITY, Surigao Del Sur (Eagle News) – Isinagawa ang graduation ng may 102 na kabataan na sumailalim sa programa ng Department of Education (DepEd) at ng PNP na Drug Abuse Resistance Education (DARE). Ang nasabing aktibidad ay idinaos sa Carrascal Sports and Cultural Center nitong Biyernes, March 31.

Naging Guest Speaker sa nasabing programa si Surigao del Sur Provincil Director PSSupt. Romaldo Bayting. Sa kaniyang mensahe ay kinumbinse niya ang mga kabataang mag-aaral na nagtapos sa programa na makibahagi at patuloy na makiisa sa anumang aktibidad na inilulunsad na may kinalaman sa iligal na droga.

Inilahad ni Bayting na ang nasabing programa ay naglalayon na mailaya ang mga kabataan sa pang-aabuso sa iligal na droga. Maitanim din sa kanilang isipan ang masamang epekto nito hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa magiging kinabukasan ninuman.

Dennis Revelo – EBC Correspondent, Tandag City, Surigao del Sur

 

Related Post

This website uses cookies.