11 miyembro ng Maute group, arestado

MARONGONG, Lanao del Sur (Eagle News) – Labing-isang hinihinalang miyembro naman ng Maute Group ang naaresto ng militar sa isang raid sa Lanao del Sur kamakailan.

Tatlong bahay ang pinasok ng mga tauhan ng 1st Infantry Division ng Army sa Brgy. Romagondong, Marongong, kung saan hinihinalang may nagtatagong mga miyembro ng bandidong grupo.

Dahil sa biglaan ang raid, hindi na nagawa pang pumalag ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang walong high-powered rifle, mga bala at mga bomba.

Agad na isinailalim sa tactical interrogation ang mga naarestong suspek.

Related Post

This website uses cookies.