(Eagle News) – Labindalawang flights ng Cebu Pacific mula at patungong Cebu ang kanselado ngayong araw, Hulyo 21. Ito ay dahil sa anim na oras na sarado ang runway sa Mactan, Cebu International Airport dahil sa maintenance work at repair.
Kabilang sa mga nakansekalng flights ay ang mga sumusunod:
- 5J561/554 Manila – Cebu – Manila
- 5J586/551 Cebu – Manila – Cebu
- 5J562/553 Cebu – Manila – Cebu
- 5J563/564 Manila – Cebu – Manila
- 5J608 Cebu – Clark
- 5J611 Davao – Cebu
- DG 6588/6589 Cebu – Ormoc – Cebu
Pinapayuhan naman ang mga may biyahe galing at patungo ng Cebu na makipag-ugnayan muna sa Cebu Pacific. Maaari namang magpa-rebook ng kanilang flights 30-araw mula ngayon, o ‘di kaya ay hilingin ang refund ng kanilang pamasahe.
Sinabi rin ng Cebu Pacific na ang nasabing runway closure ay maaari ding magdulot ng delay sa iba pang flights patungo sa ibang lugar.
Kabilang sa mga maaring maaapektuhan ng delay ang mga domestic at international flights patungo sa mga sumusunod na destinasyon:
- Clark (CRK)
- Bacolod (BCD)
- Busuanga (USU)
- Butuan (BXU)
- Cagayan (DGY)
- Caticlan (MPH)
- Camiguin (CGM)
- Davao (DVO)
- Dipolog (DPL)
- Dumaguete (DGT)
- Iloilo (Iloilo)
- Kalibo (KLO)
- Legazpi (LGP)
- Ormoc (OMC)
- Ozamiz (OZC)
- Pagadian (PAG)
- Puerto Princesa (PPS)
- Siargao (IAO)
- Surigao (SUG)
- Tacloban (TAC)
- Hong kong (HKG)
- Taipei (TPE)
Ayon sa Cebu Pacific, agad silang maglalabas ng abiso sa sandaling maalis na ang umiiral na Notice to Airmen (NOTAM) na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
https://www.youtube.com/watch?v=C75V85Ut7nk&feature=youtu.be