NAKAKARANAS na ng 12 oras na black-out ang lalawigan ng Kalinga na nagsimula Abril 17. Kasama ring apektado ang probinsiya ng Cagayan at Isabela. Nagsimulang mawala ang supply ng kuryente mula alas-6 ng umaga at bumalik ito nang alas-6 ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang sanhi ng black-out ay ang upgrading at paglalagay ng karagdagang power transformer.
Dahil dito, ay kani-kaniyang diskarte naman ang mga residente, pangunahin na ang mga negosyante gamit ang kanilang mga generator set. Todo tiis naman ang ilan dahil sa napakatinding init ng panahon.
Sa kabila ng tagtuyot na nararanasan ay namamalagi pa ring stable ang daloy ng kuryente sa lalawigan at wala pa namang nangyayaring rotational brown-out na gaya ng nangyayari sa ibang mga lalawigan.
(Eagle News Kalinga Correspondent, JB Sison)