(Eagle News) — Balik-operasyon na ang labin-dalawang paaralan sa Marawi City matapos ang limang buwang bakbakan sa pagitan ng mga militar at grupong Maute-ISIS.
Ayon sa Bureau of Public Information in the Autonomous Region in Muslim Mindanao, maaari nang bumalik ang mga estudyante sa kanilang mga paaralan sa Lunes, November 6.
Gumawa na rin ng mga plano at programa ang Department of Education (DepEd) para makabawi ang mga estudyanteng na-apektuhan ng gulo.
Magbibigay din ng psychological at social assistance para sa mga estudyanteng naapektuhan sa naging babakbakan.