12 public schools sa Marawi City, Lanao del Sur, regular na ang klase

MARAWI City, Lanao del Sur (E agle News) — Dahil sa papahina nang puwersa ng mga teroristang Maute na nakikipagbakbakan kontra sa militar sa Marawi City ay pinasimulan naman ng labindalawang pampublikong paaralan doon ang pagbubukas muli ng klase.

Sinabi ni Brigadier General Rolando Joselito Bautista, commander ng joint task force Marawi, na nagsimula na ang klase kahapon ng umaga sa:

  • Sultan Conding Elementary School
  • Sikap Elementary School
  • Cabingan Primary School
  • Banga Elementary School
  • Datu Tambak Elementary School
  • Rorogagus Elementary School
  • Bito Elementary School
  • Pendolonan Elementary School
  • Abdulazis Elementary School
  • Camp Bagong Amaipakpak Central Elementary School,
  • Sugod Elementary School at;
  • Mipaga Elementary School

Dagdag pa ni Bautista, ginagawa nila ang lahat ng security measures para maging ligtas na dako ang nasabing mga eskuwelahan mula sa anumang pagtatangka ng mga terorista.

Tiniyak pa niyang marami pang mga eskuwelahan mula sa secondary level ang magbubukas sa mga darating pang araw.

(Jun Cronico – Eagle News Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.