ALBAY (Eagle News) – Humigit kumulang 12,000 katao na kabilang sa 6km radius permanent danger zone ang nananatili pa rin sa evacuation center ng Albay.
Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (ASEMO) na hanggang buwan pa ng Disyembre ngayong taon mananatili ang mga evacuees. Ito ay dahil sa hindi pa rin pumapayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Albay na ibaba ang alert level ng bulkang Mayon.
Ayon kay resident volcanologist Ed Laguerta, malaki pa rin ang posibilidad na magkaroon ng isang hazardous eruption ang bulkang Mayon anumang araw mula ngayon.
Dennis Jardin – EBC Correspondent, Albay