Sa pagpapatuloy ng Cinemalaya Independent Film Festival competition, magbubukas muli simula sa ika-lima hanggang ika-labing apat ng Agosto sa panglabingdalawang taon nito.
Sa pagkakataong ito, hindi lamang dito sa Metro Manila at Sta. Rosa, Laguna ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok kundi pati na rin sa mga Ayala cinemas sa Metro Cebu.
Ang tema ng festival ngayon ay “Break the Surface” dahil bukod sa short film category, ibinalik na rin ang full length film category matapos na mawala ito ng nakaraang taon.
Ang siyam na mga pelikulang kalahok sa full length film category ay ang “Ang Bagong Pamilya Ni Ponching” nina Inna Miren Salazar, “Dagsin” ni Atom Magadia, “Hiblang Abo” ni Ralston Jover, “I America” ni Ivan Andrew Patawal, “Kusina” ni David Corpuz at Cenon Palomares, “Lando at Bugoy” ni Vic Aceddilo Jr., “Mercury is Mine” ni Jason Paul Laxamana, “Pamilya Ordinaryo” ni Eduardo Roy Jr., at “Tuos” ni Derick Cabrido.