PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nasa 13 katao ang sumailalim sa profiling at paraffin test matapos mai-report sa mga awtoridad na may naka-confine sa isang pagamutan sa Pagadian City na galing sa Marawi City.
Ayon kay PSupt. Kiram Jimlani, Hepe ng PNP-Pagadian, agad niyang pinaimbestigatihan ng matanggap ang report na may naka-confine sa Zamboanga del Sur Medical Center na galing sa Marawi City. Isa sa 13 katao ay kritikal na kinilalang si Junaid Ampaso Dimarogong.
Dagdag ni Jimlani, nagduda na umano sila ng magsagawa sila ng imbestigation dahil gustong kunin ng pamilya ang pasyente at dadalhin na lang umano sa kanilang bahay.
Dahil dito ay kaagad na isinalilalim ang 13 katong mulas sa Marawi City para sa paraffin test at profiling.
Aniya positibo na nagpaputok ng baril ang magkapatid na si Junaid Ampaso Dimarogong at si Halil Saliling Ali na naka-confine sa nasabing ospital. Sa ngayon dinala na sa Cagayan de Oro City ang mga ito para sa karagdagang imbestigation.
Ferdinand Libor – EBC Correspondent, Zamboanga del Sur