15 sundalong nagpositibo sa isinagawang random drug-testing, sinibak sa pwesto

JAMINDAN, Capiz (Eagle News) –  Umabot sa 15 sundalo ng 3rd Infantry (Spearheaded) Division (ID), Philippine Army sa Brgy. Jaena Norte Bayan ng Jamindan, Capiz ang sinibak sa serbisyo dahil nagpositibo isinagawang drug testing.

Ito ay kinumpirma mismo ni 3rd ID Commander General Harold Cabreros. Ayon sa kaniya ay pawang enlisted personnel at walang opisyal sa nasabing dibisyon ang napatunayang gumagamit ng iligal na droga. Tinitiyak naman ni Cabreros na isinusulong nila na ang 3rd ID ay magiging drug free ng dibisyon.

Yhanie Alejandro – EBC Correspondent

This website uses cookies.