RODRIGUEZ, Rizal (Eagle News) – Umabot na sa halos 1,500 na pamilya na nakatira sa gilid ng ilog at mabababang lugar ang lumikas sa iba’t ibang Evacuation Center dahil sa pagtaas ng level ng tubig sa ilog dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa Rodriguez, Rizal.
Ang mga pamilyang inilikas ay pansamantalang tumutuloy sa sumusunod na Evacuation Center;
- Eulogio Elementary School – 450 Pamilya
- Brgy. Manggahan Covered Court – 100 Pamilya
- Brgy. Balite – 280 Pamilya
- Kasiglahan Village Elementary School -160 Pamilya
Nagbabantay naman para sa seguridad sa mga nasabing Evacuation Center, 24 oras ang mga tauhan ni PSupt Bogard Bautista Arao, OIC ng Rodriguez MPS. Patuloy din ang pagtulong at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ang pamahalaang lokal para sa mga residente na lumikas.