152 centenarians sa Pangasinan, tumanggap ng Php100k bawat isa

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Nasa kabuuang 225 na ang mga centenarian sa Pangasinan na nakatakdang tumanggap ng centenarian gift mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang na dito ang isang lolo na itinuturing na pinakamatandang nabubuhay na ang edad ay 114.

Ang nasabing lolo ay nakatira sa bayan ng Sison, Pangasinan.

Nasa 152 na rin ang nakatanggap ng centenarian gift na nagkakahalaga ng tig-Php100,000.

Ayon kay Iryn Cabangbang, Public Information Officer ng DSWD Region 1, nagsimula noong Abril ang pagkakaloob ng Php100,000 bilang centernarian gift sa mga lolo’t lola na umaabot sa edad na 100.

Batay sa record ng DSWD Region 1, mayroong 528 na mga centenarian sa rehiyon.

Sa nasabing bilang ay 225 ay mula sa Pangasinan, 132 mula sa Ilocos Norte, 139 sa Ilocos Sur at 100 ay mula sa La Union.

Nasa 181 centenarian ang under validation ng DSWD.

Umabot na rin sa Php41.5 milyon ang nai-release na pondo ng DSWD field office 1 para sa nasabing programa.

Ayon kay Cabangbang, ang pagkakaloob ng insentibo sa mga elderly ay bilang estratehiya ng gobyerno upang kilalanin ang kontribusyon ng mga matatandang miyembro ng pamilya sa kanilang komunidad.

Ang halaga ay magagamit upang mapamalagi ang malusog na pangangatawan ng mga ito ayon sa isinasaad ng Republic Act 10868 of 2016.

Nora Dominguez, Eagle News Correspondent

Related Post

This website uses cookies.