MANILA, Philippines (Eagle News) — Tinatayang 16,000 manggagawa na ang na-regular sa trabaho sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III bilang bahagi ng pangako ng administrasyon na wakasan na ang contractualization o end of contract na mas kilala bilang “ENDO.”
Ayon kay Bello, ang regularisasyon ng 16,000 workers ay kumakatawan sa 10 hanggang 15 porsyento ng kabuuang bilang ng mga irregular worker.
Isa rin aniya itong mabuting simula para sa unang tatlong buwan ni Pangulong Duterte sa termino at indikasyon na pursigido ang business sector na iangat ang kalidad ng trabaho sa bansa.