TAMBIS, Naga City (Eagle News) — Labimpitong katao ang sugatan matapos ang nangyaring banggaan ng isang Ceres bus at isang flat truck na naglalaman ng mga harina kahapon, Septyembre 6 sa Sitio Barangay Uno ng Tambis, Naga City.
Ayon sa mga nakasaksi, habang pababa sa binabaybay na kalsada ang flat truck ay tumilapon ang gulong nito, dahilan upang gumiwang ang takbo at bumangga sa kasalubong nitong pampasaherong Ceres bus na biyaheng Toledo City.
Dahil din sa pagkawala ng preno nito ay sumalpok pa sa isang nakaparadang multicab sa tabi ng daan kaya nama nagkarambola at tatlong sasakyan kung saan dito na tumilapon ang kargang harina ng nasabing flat truck.
Ang nasabing insidente ay nagdulot din ng mahigit dalawang oras na pagsisikip ng trapiko dahil na rin sa pagbabara ng debris at mga taong nagtamo ng injuries.
Bago naman madala at maitakbo ang mga taong sugatan ay nabigyan muna sila ng pangunahing lunas sa tulong na rin ng mga sumaklolo doon.
Samantala, ayon sa Kapitan ng barangay na si Justino Dakay, bagman marami pa ang nasa kritikal na kalagayan ay wala namang naiulat na nasawi sa nasabing insidente.
(Details courtesy of Kit Montes)