19 pang sugatan na biktima ng Davao blast nasa hospital pa rin

DAVAO CITY (Eagle News) – Sa animnapu’t siyam na biktimang nasugatan sa Roxas Night market blast noong Septermber 2, labing-siyam (19) pa ang nasa anim na mga ospital sa Davao City hanggang sa ngayon.

Ayon sa talaan ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang naiwang labing walong biktima ay hindi na kritikal ang kalagayan dahil nailipat na di-umano sila sa private rooms. Si Julius Gallardo naman ay nananatili pa rin sa Intensive Care Unit (ICU) ng Southern Philippine Medical Center (SPMC). Ang isa pang biktima, na si Junaib Usman, ay kamakailan lamang dumaan sa intestinal surgery at nailipat na rin sa private room sa Ricardo Limso Hospital upang maiwasan ang exposure sa ibang sakit.

Matatandaan na tumaas na sa labing-lima ang namatay sa nasabing insidente. Ang pinakahuli ay ang pagkamatay ni Vicenta Asperin, isang massage therapist na buntis. Binawian ito ng buhay sa ospital noong Lunes ng gabi, September 12, 2016.

Ayon kay CSSDO Chief Ma. Luisa Bermudo, hindi pababayaan ng City Government of Davao ang mga naging biktima. Suportado aniya ang mga ito sa kanilang pinansiyal na pangangailangan. Ang ilang watchers naman ay may tinatanggap na mga allowance sa loob ng dawampung araw. Dagdag pa ni Bermudo, ang mga hospital bills at iba pang medical expenses naman ay hawak naman ng Philippine Charity Sweeptakes Office.

Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City Correspondent

File photos from City Govt. of Davao

This website uses cookies.