1st Eastern Visayas Vegetable Congress, isinagawa sa Ormoc City

ORMOC City, Leyte (Eagle News) – Opisyal na sinimulan Biyernes ng umaga, August 26, 2016 sa Multipurpose Hall ng Ormoc City Hall ang 1st Eastern Visayas Vegetable Congress. Dinaluhan ito ng mga magsasaka na mula sa iba’t ibang Probinsiya ng buong Region 8.

Buong katuwaang tinanggap ni Mayor Richard I. Gomez ang mga deligado. Masigla namang nagbigay si Gov. Nick Petilla ng kaniyang keynote speech. Dumalo din sa nasabing event ang D.A. Regional Director ng Eastern Visayas.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa mga mamamayan ng Region 8 upang makabangon mula sa pagkakalugmok dahil sa mga matinding kalamidad na naranasan sa mga nagdaang taon. Nais din nila na magkaroon ng sapat na supply ng gulay para sa mga taga-Region 8 at hindi na kailangang umangkat pa ng supply sa ibang mga rehiyon.

Upang magkaroon ng katuparan ang adhikaing ito sa industriya ng gulay ay nagkaroon ng DEMO Vegetable Farm sa Barangay Valencia, Ormoc City, Leyte. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng tatlong malalaking suppliers ng iba’t ibang vegetable seeds (East West Seeds, RAMGO at Condor) ay na isakatuparan ito.

Courtesy: Kimberly Urboda – Ormoc City Correspondent

850516748_24767_12344381770867084878 850518371_133004_2060372877881550015 850614264_23404_11193013617018525435 850614798_24088_2452407598566985344 850617201_24468_11119509697507489803 850617524_24416_7942396204800980711 850619371_23140_9791515850969170273 850620055_25019_14101470794207957794 850620983_24527_4731898356002132215

IMG20160826133454_770830880263373065 IMG20160826140121_770830880263373079 IMG20160826140140_770830880263373077 IMG20160826140253_770830880263373070