ORMOC City, Leyte (Eagle News) – Opisyal na sinimulan Biyernes ng umaga, August 26, 2016 sa Multipurpose Hall ng Ormoc City Hall ang 1st Eastern Visayas Vegetable Congress. Dinaluhan ito ng mga magsasaka na mula sa iba’t ibang Probinsiya ng buong Region 8.
Buong katuwaang tinanggap ni Mayor Richard I. Gomez ang mga deligado. Masigla namang nagbigay si Gov. Nick Petilla ng kaniyang keynote speech. Dumalo din sa nasabing event ang D.A. Regional Director ng Eastern Visayas.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa mga mamamayan ng Region 8 upang makabangon mula sa pagkakalugmok dahil sa mga matinding kalamidad na naranasan sa mga nagdaang taon. Nais din nila na magkaroon ng sapat na supply ng gulay para sa mga taga-Region 8 at hindi na kailangang umangkat pa ng supply sa ibang mga rehiyon.
Upang magkaroon ng katuparan ang adhikaing ito sa industriya ng gulay ay nagkaroon ng DEMO Vegetable Farm sa Barangay Valencia, Ormoc City, Leyte. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng tatlong malalaking suppliers ng iba’t ibang vegetable seeds (East West Seeds, RAMGO at Condor) ay na isakatuparan ito.
Courtesy: Kimberly Urboda – Ormoc City Correspondent