MANILA, Philippines (Eagle News) — Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isasagawa ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Pebrero 15.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, ang ceremonial venue para sa sabay-sabay na earthquake drill ay sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City.
Tutulong din aniya ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa nasabing inisyatibo,habang ilulunsad naman ang “Bida ang Handa” campaign para sa Nationwide Quake Drill 2018 ng Office of Civil Defense.
Hinihikayat naman ng NDRRMC ang publiko na lumahok sa nasabing aktibidad.