2 bayan sa Agusan Del Sur isinailalim sa state of calamity

(Eagle News) — Dalawang bayan ng Agusan Del Sur kabilang na ang mga bayan ng La Paz at Esperanza ang isinailalim sa state of calamity.

Ayon kay AFP Spokesman  Brig. Gen. Restituto Padilla, hindi pa rin madaanan ng anomang uri ng sasakyan ang mga daanan sa mga nasabing bayan kahit pa humupa na ang baha.

Ayon sa report, may kabuuang animnapu’t-dalawang (62) baranggay sa nasabing lugar ang apektado ng baha.

Mahigit sampung libong pamilya naman ang nananatili sa mga evacuation area.

Mahigit dalawang libong (2,000) pamilya mula sa Butuan City, Agusan Del Norte ang namamalagi sa mga eskwelahan na pansamantalang ginagawang evacuation center.

Halos tatlong daang (300) pamilya naman ang apektado sa municipalidad ng Las Nieves.

May kabuuang isang daan at walumpu’t limang (185) military personnel ang dineploy sa Agusan Del Sur, isang daan at pitumpu’t-pito ang sa Agusan Del Norte.

Samantala isa namang tulay sa barangay Tinago, Malimono, Surigao Del Sur ang nasira. Sa cagayan de oro naman ay nagsimula nang magsagawa ng clean up drive matapos ang matinding mga pag-ulan at pagbaha.

Related Post

This website uses cookies.