2 Indian nationals na umano’y miyembro ng kidnap-for-ransom group, napatay sa Cavite

(Eagle News) — Dead-on-the-spot ang dalawang Indian national na umano’y miyembro ng kidnap-for-ransom group matapos makaengkwentro ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Imus, Cavite.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Honey Singh at Kumar Pardeep.

2 napatay na kidnap suspects, nambiktima ng kapwa Indian national; humingi ng P20-million ransom

Sa report ni PNP AKG director, PSSupt. Glen Dumlao, Sept 3 nang dukutin ng mga suspek sa Dasmarinas ang biktimang si Lalit Kumar na kapwa nila Indian national.

Hiningan umano ng mga suspek ang pamilya ni Kumar ng P20 milyon pisong ransom na bumaba sa P680, 000.

Biktima, natagpuang patay sa Gen. Trias, Cavite

Pero habang patuloy ang negosasyon, natagpuan sa isang kanal sa Brgy.Navarro, General Trias ang bangkay ng biktima.

Dahil dito, agad na ikinasa ng PNP-AKG ang operasyon sa dalawa na sakay pa ng motorsiklo nang kanilang makaengkwentro sa Barangay Anabu 1G.

Baril at cash, na-recover sa mga napatay na suspek

Narecover sa mga suspek ang dalawang 9 mm na pistol at cash na pinaniniwalaang bahagi ng ransom.

Ayon sa AKG, posibleng konektado ang grupo sa tatlong Indian national kidnappers na naunang napatay sa Biñan, Laguna noong August 16, 2017

Kinabibilangan ito nina Inderjit Singh, Rashpal Singh at Wilbert Ong na gumagamit umano ng parehong modus.

Related Post

This website uses cookies.