(Eagle News) — Itinaas ng pamahalaang panlalawigan ng Aklan sa dalawang (2) milyon ang kanilang target na turistang bibisita sa isla ng Boracay ngayong 2017.
Ito ay matapos na malagpasan ang kanilang target na tourist arrivals noong nakaraang taon na 1.7 milyon.
Batay sa datos ng Provincial Tourism Office, umabot sa kabuuang 1,725,483 ang mga turistang nagtungo sa isla ng Boracay nitong 2016.
Kasama sa top 10 sa mga turistang nagbakasyon sa isla ay nagmula sa South Korea, China, Taiwan, Malaysia, USA, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, Russia at Singapore.