2 miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Zamboanga del Sur

Dalawang myembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa 53rd Infantry Battalion na nakabase sa Camp Sabido, Guipos, Zamboanga del Sur, kamakailan.

Kinilala ang mga sumuko na sina Rey Anthony Dungog, 19, at Alvin Ladra Calibo, 24, pawang residente ng Brgy. Balagon, Siay, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay 2Lt. Maverick Rey Mira, Intelligence Officer ng 53 IB, ang mga sumukong rebelde ay miyembro ng Regional Guerilla Unit.

Ito ang NPA unit na nag-o-operate sa Western Mindanao Area.

Base sa isinagawa nilang initial debriefing sa dalawang surrenderee, sinabi ng mga ito na pagod at gutom umano sila lagi nang kabilang pa sila sa grupo.

Araw at gabi sila umano ay palipat-lipat ng matataguan para makalayo sa mga militar na tumutugis sa kanila.

Ang pangako sa kanila na P10,000 sa bawat buwan na sahod ay hindi anila natupad.

Sa halip, sinabihan nalang sila na boluntaryo ang kanilang pag-anib at walang sahod na matatanggap.

Ayon naman kay Lt. Col. Virgilio Hamos, Jr., Commanding Officer ng 53rd IB, ang pagsuko ng mga ito ay isang patunay na ang sama-samang paghihirap na ibinuhos ng 53IB at ng iba’t ibang stakeholder laban sa mga rebeldeng grupo ay nagdulot ng maganda.

Nangako si Hamos na kaniyang tutulungan ang dalawang surrenderee na ma-enroll sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP).

Umaasa rin umano siya na marami pang mga rebelde ang magbabalik sa gobyerno.

Ferdinand Libor – EBC Correspondent, Zamboanga del Sur

Related Post

This website uses cookies.