2 patay, 15 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Quezon

(Eagle News) — Hindi na nagawa pang maihatid ng isang bus drayber ang kaniyang mga pasahero matapos itong masawi nang madamay sa karambola sa Maharlika Highway Diversion Road sa Atimonan, Quezon nitong Martes.

Ayon sa ulat, si Juan Manuel Vinas Bron III, 28, at drayber ng Philtranco bus, ang isa sa dalawang katao na nasawi sa insidente dakong alas 9 ng gabi.

Patay din ang pasaherong si Lorenzano Salundagit Lesano, 52.

Labinlima naman ang nasugatan.

Nawalan umano ng kontrol ang isang trailer truck na minamaneho ni Frankie Abalos sa pababang bahagi ng highway.

Dahil dito,  bumangga ang trailer truck sa isang 10-wheeler truck na siya namang bumangga sa Philtranco bus.

Dahil sa lakas ng pagkabangga, nagtuloy tuloy hanggang sa mahulog  sa bangin na tinatayang may lalim na 40 talampakan  ang Philtranco bus.

Iniimbestigahan pa ang insidente.

 

Related Post

This website uses cookies.