2 suspected illegal drug pusher, inaresto ng PNP sa Tarlac

PANIQUI, Tarlac (Eagle News) — Hindi tumitigil ang kampanya ng kapulisan na may kaugnayan sa “Oplan Tokhang Reloaded” para matuldukan ang paglaganap ng iligal na droga partikular sa bayang ito.

Muli na namang nakaaresto ng dalawang pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga sina P/Supt. Joel Luzung Mendoza, hepe ng PNP Paniqui, Tarlac, kasama ng kanyang mga tauhan sa isang buy bust operation.

Ang mga suspect na sina Ariel Saranilla Laureano, 36 taong gulang, ng Brgy. Samput at si  Joselito Rosopa Ojo, 47 taong gulang, ng Brgy. Carino, kapwa taga-bayan ng Paniqui, Tarlac.

Ang dalawa ay nahuli sa magkahiwalay ng lugar nang magkamali silang bentahan ng shabu ang mga pulis na sina PO2 Silvino Batenga IV at PO2 Joel Ian Abanlog na nagpanggap na buyer.

Ayon kay Supt. Joel Mendoza, matapos umugnay sa PDEA, ikinasa ang operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nasa ilalim ni Po3 Gerard Galatierra.

Tig dalawang plastic sachet ng shabu na inaalam pa ang timbang at mga mark money ang nakumpiska sa dalawang suspect.

Sina Laureano at Ojo ay sinampahan ng kaso batay sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakakulong ngayon sa Paniqui Detention Cell.

(Aser Bulanadi at Godofredo Santiago, Eagle News Service Tarlac)

Related Post

This website uses cookies.