2 suspek na nahulihan ng shabu at mga baril, inireklamo na sa DOJ

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinampahan na ng reklamong criminal charges sa Department of Justice ng National Bureau of Investigation ang dalawang  suspek na nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng 120 million pesos at matataas na kalibre ng mga baril sa Tondo, Maynila noong April 1.

Sumalang sa inquest proceedings sa DOJ ang mga suspek na sina Edris Bolug Macalabo at Arvin Belleza Zapanta kung saan sila ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o trading at possession of dangerous drugs, at  illegal possession of firearms  sa ilalim ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bago kasuhan sa DOJ ay iprinisinta ng NBI sa Media ang mga suspek at ang mga nasabat sa kanila na 24 na plastic bag ng shabu na umaabot sa halos 20 kilo at 25 mataas na kalibre ng mga baril at bala.

https://youtu.be/Rt8L37ipIbo