MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Senador Bongbong Marcos ang mga kapartido matapos siyang akusahang hindi dumalo sa Vice Presidential Debate kahapon para makaiwas umano na sagutin ang mga alegasyon ng korapsyon.
Hindi man dumalo sa debate, si Marcos ang tila nagisa nang husto matapos akusahan ni Senador Alan Peter Cayetano na inilagay umano ang pork barrel sa mga NGO ni Janet Lim Napoles.
Pero sagot ni Marcos halata naman ang agenda ng kaniyang mga kalaban na pabanguhin lang ang pangalan sa publiko.