20% student fare discount tuwing weekend at holiday simula na sa Oct. 28

(Eagle News) — Epektibo na ang 20 percent discount ng mga estudyante sa pamasahe tuwing weekend at holiday simula October 28.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kabilang dito ang summer breaks, legal at special holidays.

Ang discount ay magagamit sa bus, jeep, taxi at iba pang pampublikong sasakyan.

Gayunman, hindi nito saklaw ang post-graduate students o mga kumukuha ng medicine, law, masters at doctorate degrees.