200 estudyante sa Sta. Rosa City nakinabang sa dengue vaccination ng DOH

STA. Rosa City, Laguna — Sumailalim sa isang dengue immunization ang halos dalawandaang estudyante ng Southville 4 Elemementary School sa Sta.Rosa City, Laguna.

Pinangunahan ito ng mga kawani ng Department of Education, City Health Officers at barangay health workers ng Southville 4.

Ang nasabing nationwide program ng Department of Health ay naglalayong mapababa ang porsyento ng mga batang namamatay dahil sa dengue fever.

Tatlong beses na ibibigay ang libreng bakuna.

Ang pangalawang bakuna ay ibibigay pagkaraan ng anim na buwan mula sa unang bakuna at ang pangatlo ay pagkaraan ng labing dalawang buwan mula sa unang bakuna.

Mau panawagan naman si Adonis Ruel Asis, ng DOH-Nurse Deployment Project.

Patuloy naman ang panawagan ng department of health sa mga magulang na may anak na siyam na taon hanggang labing isang taong gulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa sakit na dengue.

Related Post

This website uses cookies.