Ni Farrahwel Tenorio
Eagle News Service
ILIGAN CITY (Eagle News) – Upang lalong mapakinabangan ang pagtulong sa mga nangangailangan ay kumuha ng National Telecommunications Commission (NTC) examination o “amateur radio class” ang mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers (SCAN) International sa Cabili Village Elementary School, Brgy. Santiago, Iligan City.
Umabot sa humigit-kumulang na 200 ang kumuha ng nasabing pagsusulit.
Ang SCAN International ay isang kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo na naglalayong makatulong sa serbisyong panlipunan at sa mas mabilis at agarang pagtulong sa mga mamamayan lalo na sa mga panahon ng sakuna tulad ng kalamidad, pagbaha at sunog.
Hinikayat ang lahat ng miyembro sa nasabing dako na kumuha ng pagsusulit upang magkaroon ng kaalaman sa paggamit ng amateur radio equipment at para magkaroon ng mga pribilehiyo na ipagkakaloob ng amateur radio license.
Ang radio equipment ay isa sa pinakamabisang uri ng komunikasyon sa panahon ng sakuna at kalamidad. (Eagle News Service)