200 “Trisikad’ nadakip sa Davao City

DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Umabot na sa 200 pedicab at tricycles ang nadakip ng mga tauhan ng Davao City Transport and Traffic Management Office sa lungsod ng Davao noong Miyerkules, August 18, 2016. Ito ay pinangunahan ni Senior Supt. Rhodelio V. Poliquit, sa Central Business District ng Davao na nag-umpisa nitong Agosto 15.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa bilang pagpapatupad ng City Ordinance 52 at Republic Act 4136 legislation na naghahanap upang i-ban ang mga pedicab at tricycles mula sa mga pangunahing pampublikong daan upang mabawasan ang sikip at trapiko sa lahat ng lugar.
Ayon ka Poliquit, kailangan umanong linisin ang siyudad upang mabawasan ang trapiko sa daan at lumuwag ito lalo na sa papalapit na malaking parada sa lungsod.
https://youtu.be/49q1UdwdLR0
Related Post

This website uses cookies.