MANILA, Philippines — Mahigit sa dalawang libong Filipino nurses ang kailangan ngayon sa Kuwait. Ito ay ayon sa Philippine Association of Service Exporters Incorporated o PASEI.
Sinabi ni Elsa Villa, Presidente ng PASEI na sakaling ma-hire, ang entry level ng Filipino nurses ay posibleng tumanggap ng minimum monthly compensation na 900 dolyar o mahigit sa 40 libong piso.
Ayon kay Villa, sinabihan sila ng labor minister at grupo ng mga pribadong korporasyon sa Kuwait na itatayo doon ang mga bagong ospital sa susunod na mba buwan.
Bukod sa mga Filipino medical workers, libo-libong mangagawa sa construction field ang kailangan din at inaasahang mag-iisyu ng NOB orders sa pamamagitan ng pasei.
Ang PASEI at mahigit sa tatlong libong lisensiyadong accredited recruitment agency sa Pilipinas ay naghihintay din ng job orders mula naman sa Germany para sa nurses. (Eagle News Service)