Lagda na lamang ng pangulong Noynoy Aquino ang kulang para maging isang ganap na batas ang panukalang 2.6 trillion pesos na Pambansang Budget sa 2015.
Sa magkahiwalay na sesyon, niratipikahan ng Senado at Kamara ang Bicameral Conference Committee report kung saan pinag-isa ang bersyon ng mababa at mataas na kapulungan.
Pinakamalaking budget ang Department of Education na may mahigit 321 million pesos na budget.
Sinundan ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND).