2016 Children’s Month Celebration isinagawa sa Mariveles, Bataan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Ipinagdiriwang ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles at ng Municipal Council for the Protection of Children ang 2016 Children’s Month. Sa nasabing selebrasyon ay isinagawa rin nila ang 6th Municipal Wide Fair na may temang “Isulong Kalidad ng Edukasyon para sa lahat ng bata”.

Ang limang araw na selebrasyon (November 14-18) ay binubuo ng mga programa na nilahukan mula sa iba’t ibang Paaralan na sakop ng Mariveles sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development. Layunin nito na maipakita ang angking talento ng mga bata, lubos na igalang ang karapatan ng mga bata, at mabigyan ng tamang edukasyon tungo sa ikatutupad ng kanilang mga pangarap.

Ang Municipal Council for the Protection of Children ay isa sa mga pangunahing programa na sinusuportahan ni Mariveles Mayor Ace Jello Conception.

Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan

 

          

This website uses cookies.