205 na ang nahuli sa unang araw ng anti-jaywalking ordinance ng Davao City

bbe626fe-757e-4180-942a-080b924432c2
Photo Courtesy: Glenn Guren Sadrapoel‎

DAVAO CITY (Eagle News) – Umabot sa 205 katao ang nahuli sa unang araw ng anti-jaywalking ordinance ng City Transport Management Office (CTTMO) nitong huwebes, December 1  sa Davao City.

Ayon kay CTTMO Executive Service Officer Charlotte Parba, may parehong bilang ng lalake at babae ang kanilang nahuli. Karamihan aniya sa kanilang nahuli ay mga empleyado at estudyante. Mayroon din umanong foreign nationals na galing Pakistan, Japan, China, Denmark, at India ang dinala sa kanilang tanggapan. Karamihan sa mga ito ay nag-re-renew ng kanilang visa sa immigration office. Ang iba naman aniya ay may transaksyon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Mayroon ding mga nahuli ay hindi taga-Davao na hindi alam ang bagong ordinansa. Hindi rin nabasa o nakita ang mga warning na inilagay sa mga kalye ng Davao. Matatandaan na matagal ng inilabas ng CTTMO ang mga paalala tungkol sa anti-jaywalking campaign na sinimulan noong huwebes.

Ang mga nahuli ay binigyan lamang ng lektura at dinaluhan ang orientation. Subalit ayoon kay Parba, kanila umanong mahigpit na ipapatupad ang parusa sa mga lalabag sa mga susunod na araw. Sa mga nahuli at hindi makakabayad ng multa ng Php 100 at ayaw gumawa ng community service sa loob ng apat na oras ay magkakaroon ng kaso sa korte.

Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City