ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Nakatanggap ng tig Php 8,000.00 ang may 210 na mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ng Capiz. Ipinamahagi ito sa Roxas City Hall Grounds.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay nagmula sa Brgy. Libas, Roxas City na ang karamihan sa mga ito ay mga mangingisda. Ang walong libong pisong ipinagkaloob ay makatutulong sa pagpapatayo o pagpapagawa ng mga Marine Products Buying Station sa kanilang lugar.
Lubos na nagpapasalamat ang mga benepisyaryo dahil malaking tulong aniya ito sa kanilang hanap-buhay at sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.
Niel Flores – EBC Correspondent, Capiz