(Eagle News) — Nasa 210 na batas ang naipasa ng House of Representatives sa pagsasara ng first regular session ng 17th Congress.
Ito ang bilang na naipasa mula sa 1,247 na mga panukalang batas na nai-proseso.
Pero kung isasama ang mga panukalang batas na naaprubahan sa second reading at mga resolusyong in-adopt, aabot sa kabuuang 290 measures ang nailusot sa ilalim ng unang taong pamumuno ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ibig sabihin, asa labintatlong bills ang naipo-proseso kada-araw ng Kamara.
Kabilang sa mga naipasa ay ang Free College Education Bill, Free Wifi Bill, 10-Year Validity Of Philippine Passports, Stricter Law Prohibiting Hospitals And Clinics from Requiring Deposit or Advance Payment Before Treatment, Updating Fines and Penalties for Crimes Against Property, 5-year Validity Of Driver’s License at Inclusion of Casinos in Coverage of Anti-Money Laundering.
Aprubado rin ng Kamara ang ilang bill sa third at final reading tulad ng Death Penalty Bill, Tax Reform Bill, Free Irrigation Bill, Exempting Journalists From Compulsion to Reveal their Sources at ang SSS Pension Hike.
“These are but a few of the very significant strides that the house of representatives have achieved and this is primarily because we have had like a breath of fresh air, the dynamic leadership of Speaker Pantaleon Alvarez,” ayon kay Rep. Gwendolyn Garcia, Deputy Speaker.
Pero hindi raw dito nagtatapos ang trabaho ng mga mambabatas, dahil mas maraming hamon ang haharapin nila sa pagbubukas ng second regular session sa darating na Lunes, Hulyo 24.
Ayon kay Garcia, pangunahin na kanilang tatrabahuin ay ang isusumiteng national budget para sa 2018, supplemental budget para sa rehabilitasyon ng Marawi, ang matagal ng isinusulong na Charter Change at iba pa.
Eagle News Service – Eden Suarez-Santos
https://youtu.be/3lNKNf4k4I4